Klaro umano ang intensyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging successor-president sa oras na manalo itong Bise Presidente.

Ayon kay Albay 1st District Rep. Edcel Lagman, tanging Pangulo lang ang may immunity sa mga kaso, at tingin nito’y kaya tatakbong bise presidente si Duterte ay para manatili pa rin ito sa kanyang puwesto matapos ang kanyang termino.

“Considering that only the President is immune from lawsuits, a legal verity which President Rodrigo Duterte fully knows, then his pretext of running for vice president to enjoy ‘immunity,’ spills the beans on his real intention to become successor-president the moment the office of the elected president in 2022 is vacated by design or fortuitous event,” lahad ni Lagman.

Matatandaan na sinabi ng Pangulo na kaya niya pinag-iisipan na tumakbo bilang Bise Presidente ay para makaligtas sa mga kasong puwedeng ihain laban sa kanya sa oras na bumaba na siya sa puwesto.

Nahaharap sa ilang reklamo si Duterte sa harap ng International Criminal Court dahil sa umano’y paglabag sa human rights sa kanyang laban kontra iligal na droga.

The post Kaya tatakbong VP! Duterte palit sa mananalong Pangulo sa 2022 – Lagman first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kaya-tatakbong-vp-duterte-palit-sa-mananalong-pangulo-sa-2022-lagman/)