Sumagot na si Kylie Padilla sa mga tsismis na siya umano ang may ka-third party kaya sila nagkahiwalay ni Aljur.

Sa Instagram post ni Kylie, sinagot nito ang isang netizen na nagtanong kung totoo bang may relasyon sila ng aktor na si JM de Guzman.

“Totoo po ba na kaya mo iniwan si Aljur dahil high maintenance ka po at ‘di afford ni Aljur luho mo? Tapos po maraming mayayaman ang nanliligaw sa ‘yo, pati mga artista at isa doon si [JM de Guzman]?” tanong ng netizen.

Kinontra naman ito ni Kylie at pinaliwanag na friends lang sila ni JM.

 “Magkaibigan lang kami ni JM. This is not true,” sey ni Kylie.

Matatandaan na kinumpirma ni Robin Padilla ang hiwalayan ng anak niyang si Kylie at si Aljur.

Ayon naman kay Kylie, nagkasundo na sila ni Aljur sa co-parenting setup, at nakatakda na ring bumukod ng bahay ang aktres kasama ang kanilang dalawang anak.

The post Kylie pumalag sa relasyon kay JM first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kylie-pumalag-sa-relasyon-kay-jm/)