Inilagay muli sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Laoag City sa Ilocos Norte simula ngayong Sabado, July 10 dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Binanggit ni Governor Matthew Marcos Manotoc ang “unofficial data” mula sa Department of Health (DOH) kung saan nagtala ang lungsod ng 16.07% na average daily attack rate.

Maikokonsidera itong mataas at nangangahulugang mas mataas ang peligro ng hawaan, ayon sa DOH.

Ani Manotoc, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng COVID sa lugar sa kabila na nasa general community quarantine ito simula Mayo 13.

“There is a need to place the city of Laoag under MECQ to facilitate contact tracing and contain the spread of COVID-19,” saad ng alkalde.

Naitala sa 311 ang positibo sa lungsod o 35% ng 881 aktibong COVID case sa Ilocos Norte.

The post Laoag balik MECQ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/laoag-balik-mecq/)