Pansamanatalang pinakansela ang mga laro ng koponang Perlas Spikers sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference matapos magpositibo sa COVID ang isang non-playing staff ng koponan.

“Pending the results (of the tests), the scheduled games of Perlas have been postponed,” pahayag ni PVL president Ricky Palou.

Maglalaro sana ang Perlas sa unang araw ng torneo nitong Sabado.

Ang nagpositibong miyembro ng team ay inihiwalay sa isang isolation facility, habang ang iba pang parte ng koponan ay naka-isolate din sa isa’t-isa, at nakatakda ring sumailalim sa RT-PCR test.

Isa ang Perlas sa mga inaabangang koponan sa PVL dahil sa kanilang lineup na binubuo nina Jem Ferrer, Michelle Morente, Su Roces at Jhoana Maraguinot.

The post Laro ng Perlas sa PVL, pinakansela first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/laro-ng-perlas-sa-pvl-pinakansela/)