Inanunsyo ng Pagasa na ganap nang bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility.

Ang naturang tropical depression ay pinangalanang Fabian.

Bandang alas-11 ng umaga naging bagyo ang LPA, at ngayong hapon ay maglalabas ng severe weather bulletin ang Pagasa.

Ito ang ika-anim na bagyong nakapasok sa Pilipinas ngayong taon.

Posibleng magdulot ito ng pag-ulan sa bahagi ng Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Zambales, at Bataan ngayong Biyernes.

Hindi naman inaasahan na tumama sa kalupaan ang nasabing bagyo.

The post LPA ganap nang bagyong Fabian first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lpa-ganap-nang-bagyong-fabian/)