Natagpuang pugot ang ulo at tadtad ng bala ang katawan ng isang magsasaka sa Gandara, Samar.

Kinilala ang biktimang si Christopher Wahingon.

Ayon sa “State of the Nation” report, huling nakitang buhay si Wahingon noong July 6 ng umaga.

Lumabas sa inisyal na pag-iimbestiga na anim na armadong lalaki ang pumunta sa plantasyon ng biktima sa araw na nawala ito.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon upang mabatid ang motibo sa krimen at mapanagot ang mga suspek. 

The post Magsasaka pinugutan, tinadtad ng bala first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magsasaka-pinugutan-tinadtad-ng-bala/)