“Mahulog sana sila sa barko. Mga baboy!”

‘Yan ang gigil na reaksyon ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa balitang nagtatapon ang ilang Chinese vessel ng mga dumi mula sa tao sa ilang parte ng West Philippine Sea.

Ayon kay Lacson, tila walang respeto ang mga Chinese lalo’t hindi naman nila teritoryo ang kanilang dinudungisan.

“They don’t mind. Walang malasakit kasi hindi naman sa kanila, not to mention walang respeto sa kapitbahay,” sambit ng mambabatas.

Ayon sa datos ng Simularity, kompanya na eksperto sa satellite data imagery, makikitang ilang taon na umanong nagtatapon ng dumi ang mga barko mula China sa WPS.

Lahad ni Liz Derr, ang CEO ng Simularity, sa sobrang lala ng duming tinatapon ng mga Chinese ay makikita raw ito kahit sa kalawakan.

Dahil sa ebak na napupuno sa West Philippine Sea ay tumataas ang lebel ng chlorophyll, na sumisira sa mga bahura sa lugar.

“This is a catastrophe of epic proportions and we are close to the point of no return. This needs to stop immediately,” giit ni Derr.

The post Mahulog sana sila sa barko! Lacson nababuyan sa Chinese ebak sa WPS first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mahulog-sana-sila-sa-barko-lacson-nababuyan-sa-chinese-ebak-sa-wps/)