Kaisa si House Deputy Speaker Loren Legarda sa pagdiriwang ng Muslim community sa Eid’l Adha ngayong Martes, July 20.

Sa pahayag ni Legarda, pinaalala nito na gamitin ang ‘Feast of Sacrifice’ para makapagnilay at maging mapagbigay sa kapwa at sundin ang kagustuhan ng Panginoon.

Nanawagan din ang kongresista mula Antique na ipagpatuloy ang magandang samahan ng mga Kristiyano at Muslim, kasama sa hiniling ay ang kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao.

“I wish to reiterate my full support for government efforts to further strengthen Christian-Muslim unity,” sambit ni Legarda. “Greater awareness of each other’s celebrations and traditions will help bring to the fore the significance of a healthy and constructive discussions among the different faiths in the Philippines.”
Nangako rin si Legarda na ipagpapatuloy ang pagsulong ng mga programa para sa mga Muslim, tulad ng pagbibigay ng trabaho, maganda edukasyon, health care at mapreserba ang kanilang kultura kultura at tradisyon.

“Once again, may all our Muslim brothers and sisters have a meaningful and solemn celebration of this year’s Eid’l Adha,” panapos ni Legarda.

The post Mapayapang Mindanao hiling ni Legarda ngayong Eid’l Adha first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mapayapang-mindanao-hiling-ni-legarda-ngayong-eidl-adha/)