Umapaw na ang Marikina River nitong Sabado dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng habagat.

Dahil dito, nanatili muna ang mga residente sa mga evacuation center.

As of 10AM, nasa 16.4 metro na ang water level ng Marikina River, ayon sa Public Information Office.

Sa ulat, sinabi ni Mayor Marcelino Teodoro, doble-ingat ang ginawa nilang evacuation dahil sa banta ng Delta variant.

Aniya, nasa 2,987 pamilya o 12,804 indibiduwal ang inilikas sa 26 evacuation center sa lungsod. 

The post Marikina River umapaw na, mga residente lumikas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/marikina-river-umapaw-na-mga-residente-lumikas/)