Pinatunayan ng mga female athlete mula sa iba’t ibang bansa na hindi napag-iiwanan sa larangan ng sports, lalo na sa kasagsagang Tokyo Olympics 2020+1 sa Japan.

Sa kasalukuyang ika-32 edisyon ng quadrennial sports conclave, ang most gender-equal Olympics ang may pinakamataas na bahagi ng female athletes sa kasaysayan ng nito kung saan 48.8% mula sa lagpas 11,700 atleta ang mga babae. Mas mataas kumpara sa 45% noong 2016 Rio de Janeiro Olympics.

Para sa Pilipinas, 10 sa 19 player ay mga kababaihan. Sila ay sina sina weightlifters Hidilyn Diaz at Elreen Ando, boxers Nesthy Petecio at Irish Magno, golfers Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan, skater Margielyn Didal, sprinter Kristina Knott, judoka Kiyomi Watanabe at swimmer Remedy Rule.

Ito ang una sa kasaysayan ng Philippine sports na mas maraming Pinay athletes ang lalaro sa Olympic Games kesa sa mga lalaki.

Inaasahang sa susunod na 2024 Paris Olympics na magiging pantay na ang numero ng mga Adan at Eba manlalaro.

The post Mga eba palaban sa Olympics first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-eba-palaban-sa-olympics/)