Nakiusap ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kay Silang, Cavite Mayor Corie Poblete na ipatigil ang pagdemolis ng lampas 100 tindahan sa kahabaan ng Santa Rosa-Tagaytay Road.

Ayon sa grupo, plano umanong patayuan ng pribadong residential project ang lupa, na anila’y kapag natuloy ang demolition ay aabot sa 350 ektarya ng agricultural land ang posibleng ma-convert at tayuan ng mga istruktura.

Karamihan sa mga tindahan ay mga pottery at furniture shop, ayon pa sa KMP ay ayaw daw bigyan ng business permit ang kanilang mga kabuhayan.

“Mayor Poblete should give the interests of her constituents utmost primacy, not any personal business interest. The planned and attempted demolition is illegal, self-serving, and plain heartless,” giit ni KMP National Chairperson Danilo Ramos.

 Dumarami ang mga kababayan nating gutom at walang trabaho, tapos magde-demolish ng kabuhayan ng maliliit para lang sa mas malaking kita?”

Noong July 14 ay nagtangka na ang Silang Municipal Engineering Department na idemolis ang lugar, ngunit hinarangan sila ng mga miyembro mula sa Ifugao-Muslim Furniture and Pottery Shop Owners Association (IMFPSOA) at Samahang Magsasaka ng Tartaria (SAMATA).

The post Mga magsasaka sumamo kay mayor: 100 tindahan sa Cavite wawasakin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-magsasaka-sumamo-kay-mayor-100-tindahan-sa-cavite-wawasakin/)