Inanunsyo ng PBA na hindi matutuloy ang dalawang laban sa Miyerkoles, July 21, dahil ilang manlalaro ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa pahayag ng PBA, suspendido ang laro ng Terrafirma Dyip kontra Alaska Aces, pati ang TNT Tropang Giga vs Magnolia Pambansang Manok Hotshots.

Ito’y dahil apat na manlalaro mula sa TNT ang nagpositibo sa virus.

“Four TNT Tropang Giga players have returned tests that were either positive or needs to be confirmed for COVID-19 under government approved league protocols,” ayon sa liga.

Sinalang na sa quarantine ang apat na manlalarong hindi pinangalanan, at muling ipapa-COVID-19 test.

Samantala, negatibo naman sa new coronavirus ang lahat ng manlalaro ng Terrafirma, ngunit kinailangang suspendihin din ang kanilang laro dahil sila ang huling nakaharap ng TNT.

Matutuloy naman ang laban ng Phoenix Super LPG at NorthPort Batang Pier, alas-3 ng hapon, at Alaska kontra Magnolia, alas-6 ng gabi sa Miyerkoles.

The post Mga PBA game suspendido! 4 TNT player positibo sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-pba-game-suspendido-4-tnt-player-positibo-sa-covid/)