Matagumpay na nasagip ang isang minero na na-trap matapos gumuho ang mining tunnel sa Barangay Bukal, Nabunturan, Davao de Oro.

Halos 24 oras ang naging rescue operation ng Nabunturan Emergency Response Team at Philippine Red Cross (PRC) bago nasagip si Alvin Bermaba, 28-anyos, kahapon, July 9 ng ala-1:20 ng madaling-araw.

Ayon sa Facebook post ng PRC, mag-isang nakulong sa unahan ng tunnel ang biktima noong July 8 ng alas-11:33 ng umaga.

Dinala na si Bermaba sa Davao de Oro Hospital.

Apat na small scale miner kabilang si Bermaba ang nagpunta sa lugar upang magmina ng ginto.

The post Minero nakulong ng 1 araw sa gumuhong tunnel, nasagip first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/minero-nakulong-ng-1-araw-sa-gumuhong-tunnel-nasagip/)