Inanunsyo ng Miss Universe organization na sa Israel gaganapin ang ika-70 edition ng pinakamalaking beauty pageant.

Ayon sa tweet ng Miss Universe, sa Eilat, Israel ang kanilang susunod na destinasyon.

Gaganapin ang coronation night sa December 2021.

Sa September 25 naman nakatakdang koronahan ang panlaban ng Pilipinas sa Miss Universe.

Kakalabas lang ng 100 kandidata na official delegate para sa Miss Universe Philippines, kasama rito ang ilang sikat na personalidad tulad ng PBB alumna na si Kisses Delavin, at ‘Asia’s Next Top Model’ winner Maureen Wroblewitz.

The post Miss Universe 2021 rarampa sa Israel first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/miss-universe-2021-rarampa-sa-israel/)