Mukhang wala pa ring paramdam si Greg Slaughter sa kanyang bagong koponan kahit ilang araw na lang ay muli nang magbabalik aksyon ang PBA.

Sa report ng GMA News, sinabi ni NorthPort Batang Pier coach na wala siyang ideya kung nasaan na si Slaughter.

Matatandaan na lumipad patungong Amerika ang big man noon pang nakaraang buwan para doon magpabakuna.

Umaasa naman si Jarencio na babalik na sa Pilipinas si Slaughter para maglaro sa kanilang koponan.

Gayunpaman, nais ni Jarencio na maging positibo sa kabila ng pagkawala sa ensayo ni Slaughter, lalo’t nagpapakitang gilas ang ialn sa kanilang mga top rookie tulad nina Jamie Malonzo at Troy Rike.

Bukod pa dito’y balik na rin sa kanilang koponan si Robert Bolick matapos magpahinga sa PBA bubble noong nakaraang taon.

The post Missing in action sa pagbabalik ng PBA! Slaughter hindi mahagilap ni Jarencio first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/missing-in-action-sa-pagbabalik-ng-pba-slaughter-hindi-mahagilap-ni-jarencio/)