Nakiusap ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga magulang na panatilihin muna sa bahay ang mga bata sa kabila ng pinag-aaralang pagpapalabas ng mga edad 5 pataas.

Ito’y dahil sa posibleng pagsirit muli ng COVID-19 case sa bansa ngayong nakapasok na ang Delta variant, na mas nakahahawang uri ng COVID-19.

“Sa mga magulang po na nakikinig, sana maunawaan nyo, hindi pa ho natin alam ang ganap na epekto nito sa atin, kaya minabuti ng ating mga alkalde na temporarily, isuspinde muna ito ng IATF, para mapag-aralang mabuti,” ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos sa TeleRadyo.

Giniit ni Abalos na huwag munang lumabas ang mga bata lalo’t wala pang bakuna ang mga ito.

“Tandaan natin, ang mga anak natin ay wala pang bakuna, hindi natin alam ang epekto nito sa mga bata,” paliwanag ng MMDA chief.

The post MMDA: Mga bata huwag munang palabasin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mmda-mga-bata-huwag-munang-palabasin1/)