Handa umano ang abogado at dating Comelec chairman na si Christian Monsod na kuwestiyonin ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa vice presidential race sa 2022.

Ani Monsod, nakikita niyang ito ay malamang na isang pamamaraan upang makabalik si Duterte sa MalacaƱang lalo na pagkatapos sabihin na pipiliin niya kung sinong makaka-tandem sa pagka-pangulo.

“In October it’s the filing of the certificate of candidacy — there might already be an issue. But the first step is the Comelec, the Comelec will have to decide if he’s qualified or not,” lahad ni Monsod sa The Chiefs ng One News, July 9.

Sabi pa ng isa sa mga nagbalangkas ng 1987 Constitution, inaasahan niyang kukuwestiyonin ng ibang presidential candidate ang isyu ngunit kung hindi ay handa siyang maghain ng reklamo laban sa VP run ni Duterte.

“That’s why I expect that the other presidential candidates, one of them, is probably gonna raise the issue of the president — if no one files, I’m willing to file. But I expect that there will be people with ‘valid interest’ in the outcome who will file the case,” saad niya.

The post Monsod handang kuwestiyonin pagtakbong VP ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/monsod-handang-kuwestiyonin-pagtakbong-vp-ni-duterte/)