Pumanaw ang isang 45-anyos na ina na takot magpabakuna laban sa coronavirus dahil sa mga side effect na nababalitaan niya.

Ayon sa The Sun report, namatay si Tricia Jones matapos tamaan ng Delta variant.

Agad umanong naospital si Jones at kinabitan ng mechanical ventilator sa loob lang ng ilang araw nang tamaan ng virus at namatay siya kalaunan.

Kaya naman hinikayat ng pamilya ni Jones ang publiko na magpabakuna na para mabawasan ang panganib na magkasakit ng malala dahil sa COVID.

The post Nanay na takot pabakuna tigok sa Delta variant first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nanay-na-takot-pabakuna-tigok-sa-delta-variant/)