Ibinida ni Quezon City Mayor Joy Belmonte nitong Miyerkoles na lumagpas na sa isang milyon ang mga bakunang naituturok sa kanilang lungsod.

Martes ng gabi umano ng malampasan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang naturang bilang.

“I am very happy to announce that the QC government has already reached 1,014,000 doses, that was as of last night, yan po ang pinakahuli nating data,” pahayag ni Belmonte sa programang The Source.

“We have reached the 1 million mark and these are of course because of the second doses we have been administering,” dagdag pa ng alkalde.

Ang kabuuang target umano ng lungsod na turukan ay 1.7 milyon, o 80% ng kanilang adult population.

Umaasa naman si Belmonte na maibabalik ang pagtuturok ng first dose sa kanilang lugar sa susunod na linggo. Ito ay matapos magkulang ang suplay ng bakuna sa Quezon City kaya’t mga second dose muna ang kanilang tinuturok.

The post Naturukan sa QC lagpas 1M na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/naturukan-sa-qc-lagpas-1m-na/)