Pinayagan na ng Premier Volleyball League (PVL) na sumabak sa aksyon ang koponang Perlas Spikers.

Ito ay matapos magnegatibo sa RT-PCR test ang buong koponan nitong Miyerkoles.

“They’re all negative,” maikling pahayag ni PVL commissioner Tony Boy Liao.

Matatandaang pinakansela ang mga laro ng Perlas nang magpositibo sa COVID ang isa nilang non-playing staff.

Kaya naman sa pagbabalik nila ay muling nirepaso ng PVL ang schedule ng mga laro.

Ngunit inaasahang sa Linggo ay sasalang na muli sila sa court.

“Thank you to everyone who has whispered a prayer, who has sent encouraging messages, & who has rallied behind us!” saad sa tweet ng Perlas Spikers.

The post Negatibo sa COVID! Perlas Spikers magbabalik-aksyon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/negatibo-sa-covid-perlas-spikers-magbabalik-aksyon/)