Babantayan ng National Task Force Against COVID-19 ang mga lugar na pinayagang makalabas na ang mga bata edad lima pataas.

Sa ganitong paraan ay matukoy kung may pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa paglabas ng mga bata.

Sinabi ni Dr. Ted Herbosa, adviser ng NTF na mayroon pa ring banta ng COVID-19 sa bansa kaya hindi dapat na makampante ang mga magulang sa paglabas ng kanilang mga anak.

“Binabantayan natin yan, payo pa rin natin sa mga magulang na hindi pa zero ang COVID, na diyan pa rin po ang COVID,” ani Dr. Herbosa.

Nakatakda aniyang magpulong ang Metro Mayor para magtakda ng mas malinaw na mga polisiya para sa paglabas ng mga bata sa labas ng tahanan.

“Yung ating Metro Manila mayor ay magpupulong para bigyan ng mas malinaw na rules kung saan ang puwede at hindi puwede sa ating mga kabataan,” dagdag ni Dr. Herbosa.

The post NTF tutok sa mga lugar na puwede sa mga bata first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ntf-tutok-sa-mga-lugar-na-puwede-sa-mga-bata/)