Todo pag-iingat kontra COVID-19 si Ernest ‘EJ’ Obiena at ang national athletics delegation sa 2020+1 Tokyo Olympic Games makaraang magpositibo sa pandemya ang dalawa sa kanyang mga karibal kabilang na si No. 2 Sam Kendricks ng Amerika.

“We’re taking a lot of extra precautions now,” sambit ni Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) secretary-general Agapito ‘Terry’ Capistrano. “We’re bringing our own alcohol to Edogawa Stadium, where EJ practices, and we are the ones who wipe down whatever surfaces he will be in contact with. We can never be too careful anymore.”

Ayon pa sa opisyal, umarkila na rin sila ng isang van para sa transportasyon ni Obiena at kanyang team para hindi na sumakay sa athletes’ bus o kahit anong Olympic-accredited taxis ang 25-year-old pole vaulter mula sa Tondo, Manila.

“We’re lucky we decided to stay here,” lahad ni Capistrano na nagpasyang manatili ang koponan, kasama si sprinter Kristina Knott, sa Conrad Hotel imbes na mag-Athletes’ Village.

Sasabak si Obiena sa Sabado, Hulyo 31 para sa men’s pole vault event na gaganapin sa Olympic Stadium.

The post Obiena doble ingat vs COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/obiena-doble-ingat-vs-covid-19/)