Hindi na si EJ Obiena ang maghahawak ng bandila ng Pilipinas para sa 2020 Tokyo Olympics.

Ito’y matapos ianunsyo ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang pagbabago sa protocol para sa mga flag bearer.

Ayon kay Tolentino, kailangang nasa Japan na ang mga flag-bearer 48 oras bago magsimula ang opening ceremony.

Hindi ito kakayanin ni Obiena dahil ang dating nito sa Japan ay saktong July 23, ang opening date ng sporting event.

“Mahirap na sumugal. With that, pinaalam ko na sa athletics na baka at malamang mapalitan ang flag bearer natin because of the recent development sa Tokyo,” ayon kay Tolentino sa forum ng Philippine Sportswriters Association.

Dahil dito’y inaasahan na ilahad ang magiging kapalit ni Obiena sa mga susunod na araw.

The post Obiena out bilang flag bearer sa Olympics first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/obiena-out-bilang-flag-bearer-sa-olympics/)