Nanawagan sa pamahalaan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza upang pakawalan na ang mag-inang Morita at Selman Alegre na patuloy umanong nagdurusa sa bilangguan sa hindi makatarungang conviction.

Ito ay matapos yumao ang asawa ni Morita na si Jesus noong Hunyo 13 sa edad na 75 dahil sa sari-saring karamdaman.

Ang mag-anak ay 16 taon nang nakakulong sa iba’t-ibang bilangguan dahil sa pagpatay kay Rogelio Tipon, base sa statement ng grupong Kapatid.

Si Tipon ay isa sa mga armadong lalaki na napatay sa gitna ng pag-atake sa mga Alegre noong 1994.. Ang karahasan ay nag-ugat sa away sa lupa sa pagitan ng mga Alegre at ng isang lokal na opisyal sa Sagay City.

Gayunpaman, ayon sa Kapatid ay walang patunay sa nakapatay kay Tipon at bago pa nga iyon ay umatake pa ang mga armadong lalaki sa mga Alegre kung saan napatay ang kamag-anak nilang si Romeo.

Noong 2009 na-convict sa kasong pagpatay ang tatlong Alegre at pinatawan ng 40 taon pagkakakulong.

Ayon sa Kapatid, na-convict ang tatlo kahit pa ang principal witness sa pagpatay kay Tipon ay nagsumite ng affidavit of desistance.

Kaya naman sa pagpanaw ni Jesus ay nanawagan ang obispo na pakawalan na rin ang asawa at anak nito.

“Land grabbing is an old and persistent problem in Negros, where the wealthy and powerful families have used both private and government instrumentalities to defeat the poor’s rights over their small parcels of land,” pahayag ni Alminaza.

“With his death, Jesus Alegre is now free at last from worldly greed, oppression, and injustice. But his widow and son, both unjustly convicted and imprisoned for the last 16 years, continue to languish and suffer in separate jails,” dagdag pa nito.

Sa ngayon ay 75 anyos na rin si Morita habang 47 naman si Selman.

The post Obispo nakiusap pakawalan byuda, anak ng magsasakang namatay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/obispo-nakiusap-pakawalan-byuda-anak-ng-magsasakang-namatay/)