Apat na lugar ang pinangalanan ng OCTA Research group na may pinakamataas na infection rate ng COVID-19 sa nakalipas na 10 araw.

Ayon sa grupo, ang mga lugar ng Cebu City, Lapu-Lapu City, Laoag City, at Mariveles sa Bataan ang nangunguna pagdating sa infection rate mula July 7 hanggang 17.

Nakapagtala ng 2.07 percent infection rate sa Laoag, sinundan ng Mariveles (1.83%), Lapu-Lapu City (1.62%) at Cebu City (1.40%).

Ayon sa monitoring ng OCTA, umakyat ang COVID-19 case sa Laoag, mula 25 ay naging 46 ito sa nakalipas na linggo.

Samantala, nanatili naman ang Iloilo City (97%) at Davao City (96%) sa may pinakamataas na utilization rate sa intensive care unit (ICU).

The post OCTA Research: Cebu City, 3 pang lugar sumirit COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/octa-research-cebu-city-3-pang-lugar-sumirit-covid/)