Pinalakas umano ni 1996 Olympics silver medalist Mansueto ‘Onyok’ Velasco ang loob ng apat na boksingerong Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics, ayon kay national coach Reynaldo Galido.

“Kinausap sila isa-isa ni Onyok bago kami lumipad pa-Japan, binigyan sila ng encouragement,” wika ni Galido nitong Lunes.

“Binigyan sila ni Velasco ng advice. Malaking bagay yon sa kumpiyansa ng mga bata,” dagdag pa niya.

Si Onyok ang huling boksingerong nag-uwi ng medalya mula sa palaro. Ang una naman boksingerong nagwagi din ng pilak ay si Anthony Villanueva, na sumabak noong 1964 Olympics.

Sa darating na palaro tatangkain nina Eumir Marcial, Carlo Paalam, Nesthy Petecio at Irish Magno na muling magwagi ng medalya para sa bansa, sa isang Olympics na gaganapin sa parehong lugar kung saan nanalo ng pilak si Villanueva – sa Tokyo Japan.

The post Onyok binigyan ng tip Olympic boxers first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/onyok-binigyan-ng-tip-olympic-boxers/)