Tinitingnan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung napapanahon na ba ang muling pagpapatupad ng number coding sa NCR.

Ito’y dahil inaasahan ng MMDA na manunumbalik ang mabigat na trapiko sa EDSA sa pagsisimulang maningil sa Skyway Stage 3.

Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, posibleng madagdagan ng 20,000 sasakyan ang dumaan sa EDSA.

“That’s additional 20,000 vehicles. Ang capacity ng EDSA is more or less about 388,000 na tayo eh pero humi-hit pa tayo minsan ng 399,000,” lahad ni Abalos sa panayam ng Teleradyo.

“Kung dadagdag itong 20,000, you could just imagine. Pinag-aaralan namin kung ibabalik namin ang number coding,” aniya pa.

Sa July 12 magsisimulang maningil ng toll fee ang Skyway Stage 3, na ayon kay Abalos ay dinadaanan ng aabot sa 100,000 kotse kada araw.

The post Pagbalik ng coding susuriin ng MMDA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagbalik-ng-coding-susuriin-ng-mmda/)