Nabawasan ang mga pagyanig na naitala ng Phivolcs sa Bulkang Taal sa huling 24 oras, ayon sa anunsyo ng ahensya nitong Miyerkoles.

Ayon sa Phivolcs, sa huling 24 oras ay anim na volcanic tremor na may habang 12 minuto lamang ang kanilang naitala mula sa Taal.

Gayunpaman, mataas pa rin ang lebel ng volcanic sulfur dioxide na binubuga nito.

Sa kanilang huling tala ay nasa 1.5 kilometro pa ang taas ng kemikal na lumalabas mula sa bukana ng bulkan.

Sa kasalukuyan, ang average sulfur dioxide emission ng Taal ay nasa 4,184 tonelada.

Nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang bulkan ayon sa Phivolcs.

The post Pagyanig sa Taal nabawasan – Phivolcs first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagyanig-sa-taal-nabawasan-phivolcs/)