Inaprubahan na sa isang komite sa Senado ang isang panukala na naglalayong gawing krimen ang pagloloko at pagkansela ng mga order, sa layuning protektahan ang mga delivery driver.

Ang panukala ay nakapaloob sa Committee Report No. 273, na inihain ni Senate trade committee na pinamumunuan ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III.

Layunin ng panukala na gawing krimen ang maraming ipinagbabawal na gawain tulad ng panloloko sa pagkuha ng order o fake booking at kanselasyon ng nakumpirma nang mga inorder.

“The recent incidents of fake booking and hoax orders are quite alarming. Those acts must be criminalized. Nagtatrabaho ang ating mga riders nang maayos. Yung iba ay inaabot pa ng madaling araw sa kalye para kumita ng pera. Hindi sila dapat linoloko,” sabi ni Pimentel.

Ang paggamit ng personal information na iba sa pagrehistro ng anumang food, grocery at pharmacy delivery service  ay paparusahan din sa ilalim ng panukala.

“The bill also prohibits food, grocery, and pharmacy delivery service app providers from requiring their delivery riders and drivers to advance money for the payment of the orders,” sabi sa panukala.

“It also requires these delivery service app providers to “establish a mandatory reimbursement scheme in favor of delivery riders and drivers in case of cancellation of confirmed orders,” dagdag pa doon.

Sa ilalim ng panukala, ang pagpapatupad ng Know-Your-Customer (KYC) rules ay dapat i-require. Ang panuntunan nito ay may kaakibat na submission at verification ng proof of identity at residential address na kustomer bilang pagsunod sa Data Privacy Act of 2012.

Sabi ni Pimentel, kailangang protektahan ang mga delivery driver sa gitna ng tumataas na kaso ng kanselasyon ng mga order at mga pekeng transaksyon. 

The post Panloloko sa mga delivery rider gagawing krimen – Pimentel first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/panloloko-sa-mga-delivery-rider-gagawing-krimen-pimentel/)