Inaprubahan ng House Committee on Natural Resources ang panukalang National Mangrove Forest Protection and Preservation Act.

Iginiit ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, may-akda ng panukala, ang kahalagahan ng bakawan na nagbibigay ng proteksyon upang hindi gumuho ang lupa.

“Mahalaga ang mga bakawan dahil nagsisilbi itong tahanan ng mga di mabilang na species ng mga hayop at halaman. Nagbibigay rin ito ng kabuhayan sa mga Pinoy dahil napagkukunan ito ng pagkain at raw materials,” sabi ni Fortun.

Ayon sa isang pag-aaral ng World Bank noong 2017, ang mga nawalang mangrove sa pagitan ng 1950 hanggang 2010 ay nagresulta sa pagbaha na nakakaapekto sa 267,000 katao sa bansa.

Ang mahigit sa kalahating milyong hektarya ng bakawan na matatagpuan sa bansa ay bumaba na sa 250,000 noong 2000.

Kapag naisabatas ang panukala ay gagawa ng mas malinaw na mekanismo upang maproteksyunan at mapalitan ang mga nawalang bakawan sa bansa.

Umaasa si Fortun na maaprubahan ng Senado at Kamara de Representantes ang panukala bago matapos ang 18th Congress sa susunod na taon.

The post Panukalang proteksyon ng bakawan pasado sa House committee first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/panukalang-proteksyon-ng-bakawan-pasado-sa-house-committee/)