Dapat umanong isaisip ng sinuman ang katapangan ni dating Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III sa kanyang matibay na posisyon laban sa China hanggang sa makuhan ng Pilipinas ang The Hague arbitral victory noong 2016.

Ang naturang ruling ang kumontra sa sobrang-sobrang claim ng China sa West Philippine Sea (WPS).

“We stood up to them at the [outset] and now so many others are doing the same. We stood up to China because it was the right thing to do,” sabi ng Liberal Party sa isang statement.

Ayon sa LP, ang political party ni PNoy, ang nasabing pahayag ni yumaong pangulo ay bahagi ng kanyang acceptance speech noon sa JW Diokno awards noong February 2021.

Para sa partido, ang arbitral victory, lalo na sa gitna ng pagpanaw ni PNoy, ay isang paalala kung ano ang puwedeng ibigay ng mahusay, matapang ang matibay na pamamahala para sa kanyang bansa at sa taumbayan.

“As we commemorate this landmark ruling, so too do we commemorate the kind of leadership that makes victories like this possible: A leadership founded on the belief that ‘The Filipino is worth fighting for’, as opposed to one that cowers and yields to bullies,” sabi ng LP sa isang statement.

“To treat this ruling as merely a piece of paper is to lack the courage and resolve required of leadership,” dagdag pa nito.

Ang pahayag ay reference sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang arbitral ruling ay isang pirasong papel lang sa basurahan.

Pinitik din ng LP ang ginawang pambobola ni Duterte noon sa kanyang pangakong noong na sasakay siya ng jet ski at magtatanim ng bandila ng Pilipinas sa WPS.

Subalit kalaunan’y sinabing ang kanyang ‘jet ski promise’ ay isang lang joke o biro.

“We celebrate the fifth anniversary of the Hague ruling, and express our gratitude to PNoy and the rest of the patriots instrumental in this effort. We pledge continued adherence to PNoy’s values, and commit to working for a future where our leaders will exhibit the same moral strength as he did,” ayon sa LP.

The post Partido Liberal: Alalahanin katapangan ni PNoy kontra China first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/partido-liberal-alalahanin-katapangan-ni-pnoy-kontra-china/)