Humingi na umano ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa Budget Department ng karagdagang mga plantilla position upang mabigyan ng regular na pwesto ang kanilang mga empleyado na nasa ilalim ng contract of service (COS).

Ito ay ayon sa kanilang undersecretary na si Kris Ablan.

Kaugnay ito ng isyung may 375 na COS employees ang PCOO na na-hire noong 2020, bagay na pinuna ng Commission on Audit (COA) dahil gumastos dito ang PCOO ng P70.6 milyon.

Dagdag pa sa report ng COA, 70% ng mga empleyado sa PCOO ang COS.

“Nag-request na kami sa DBM ng plantilla positions para makalipat na sa regular position ang ilang contractual employees,” pahayag ni Ablan nitong Linggo.

Depensa naman ni Ablan sa dami ng kanilang empleyadong nasa COS, kinailangan nilang magdagdag ng tao upang makasabay sa mga gawain ng mga proyekto ng pamahalaan.

“Dumami po ang projects natin sa production at creatives. Nag-take kasi tayo ng ibang programa ng ibang ahensya,” aniya.

Sumasahod din naman ang mga ito ng nasa P15,000 kasa buwan, dagdag pa niya.

The post PCOO magpapadagdag plantilla position first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pcoo-magpapadagdag-plantilla-position/)