Matagumpay ang Philippine Coast Guard sa pagpapaalis ng isang Chinese Navy warship na nasa Marie Louise Bank sa West Philippine Sea.

Ayon sa report na nakuha ng PCG Command Center, namataan ng BRP Cabra (MRRV-4409) ang isang warship na may bandila ng China noong July 13.

Ito’y nakita sa Marie Louise Bank, na matatagpuan sa 147 nautical miles mula sa El Nido, Palawan.

Doon nagpadala ng radio challenge ang mga tauhan ng PCG sa naturang barko gamit ang radar, ngunit walang natanggap na tugon ang BRP Cabra.

Sa pangunguna ni Commander Erwin Tolentino ay gumamit ang BRP Cabra ng Long Range Acoustic Device para ipadala ang verbal challenge sa barko ng China.

Dito na nagsimulang gumalaw ang barko ng China, at sinundan ng BRP Cabra para masigurong lalayas ito sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Nang makalapit ang PCG sa Chinese warship ay nagpadala na ito ng mensahe sa mga Pinoy.

“Philippine Coast Guard 4409, this is Chinese Navy Warship 189. Please keep two nautical miles distance from me,” ayon sa mga nakasakay sa Chinese ship.

The post PH Coast Guard napalayas Chinese warship sa WPS first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ph-coast-guard-napalayas-chinese-warship-sa-wps/)