Muling pinalawig ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang travel ban sa India at anim pang bansa.

Inanunsyo ito ni presidential spokesperson Harry Roque nitong Miyerkoles, bukod sa India ay bawal ding pumasok sa Pilipinas ang mga biyahero mula sa Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman.

Ang ban ay magtatagal na hanggang July 31, dapat ay matatapos na ito bukas, July 15.

Minumungkahi din ng IATF na isama ang Indonesia sa travel ban, hinihintay na lang ang desisyon mula sa MalacaƱang.

Ang travel ban ay dulot ng mas nakahahawang Delta variant, na unang nadiskubre sa India.

The post PH travel ban sa India, 6 pang bansa pinahaba ulit first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ph-travel-ban-sa-india-6-pang-bansa-pinahaba-ulit/)