Sinabi ni Senador Koko Pimentel na hindi pupuwede ang pag-eendorso ng mga miyembro nila ng presidential candidate na hindi parte ng PDP-Laban.

“Ang big issue bakit ka nagno-nominate ng tagalabas? Importante ang nominee galing sa partido, has reasonable chance of winning. Hindi namin ginawang criteria ang sure winner. Minsan nananalo, minsan talo pa rin. We do not have to field a sure winner. Bawal po ang outsider lalo na kung meron kang homegrown candidate,” paliwanag ni Pimentel sa panayam sa DWIZ nitong Sabado.

“Ang dami naming talents, may programa de gobyerno kami, kung outsider ang presidential candidate mo paano mo sasabihin kailangan mo i-implement ang program ng PDP-Laban? That is the biggest problem,” dagdag niya.

Sabi ni Pimentel sa Setyembre malalaman kung ano ang mangyayari sa assembly na ipapatawag ni Pacquiao at doon din aniya malalaman ang nominado ng kabilang faction.

“May mga nomination na gagawin, dun na natin malalaman, ‘yung other side kung merong another nominee ilabas nila, pero ang nominee nila dapat sasabihin na tinatanggap ang nomination,” saad ni Pimentel.

Kasalukuyang nasa Amerika si Pacquiao para sa laban sa American boxer na si Errol Spence Jr. sa Agosto

Inihayag ni Pacquiao na magpapatawag siya ng PDP-Laban assembly sa September matapos ang kanyang laban.

The post Pimentel: Bawal outsider presidential bet sa PDP-Laban first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pimentel-bawal-outsider-presidential-bet-sa-pdp-laban/)