Nagpahayag ng pagkabahala si Senador Francis Tolentino kaugnay ng mababang ranggo ng Philippine passport sa 2021 Henley Passport Index.

Ginawa ng senador pahayag matapos malaman sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations na pang-77 ang Pilipinas sa ranking at hindi niya dapat ipagsawalang bahala ito ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“It is indicative not just of the survey done, but the power of our passport,” sabi ni Tolentino.

“The passport is the badge of citizenship and you should be proud of that. Ngayon, kung downgraded ang passport natin, medyo downgraded ang pagtanggap sa atin ng host country,” dagdag nito.

Sa 2021 Henley Passport Index, ang Philippine passport ay pang-77 sa ‘most powerful’ sa buong mundo kung saan katabla nito ang Cape Verde island at Dominican Republic.

Pang-puwesto din ang Pilipinas noong 2019 habang 74 naman noong nagdaang taon.

Kasabay nito, nanawagan si Tolentino sa Department of Foreign Affairs na hingin ang tulong ng Philippine Postal Service pagdating sa passport application.

“DFA should consider it since the practice is already being implemented in the United States and in the European Union,” sabi ni Tolentino.

Sa panig naman ni Senador Sherwin Gatchalian, hiniling nito sa DFA na palakasin ang paggamit ng online transaction para passport renewal para sa convenience ng lahat lalo na ang mga senior citizen.

Sinabi naman ng DFA sa pamamagitan ni Office of Consular Affairs Executive Director Maria Alnee Gamble, na kanilang ikokonsidera ang suhestiyon ni Tolentino.

The post ‘Pinas kulelat sa passport index ranking – Tolentino first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-kulelat-sa-passport-index-ranking-tolentino/)