Niyanig ng dalawang volcanic earthquake ang Mt. Pinatubo noong Linggo ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa ahensya, ang mga naturang pagyanig ay bunga ng ilang tectonic process sa ilalim ng bulkan.

Ngunit wala raw silang nakikitang posibilidad ng pagsabog ng Pinatubo.

Sa ngayon, ay nananatili sa Alert Level 1 ang bulkan, kung saan matinding pag-iingat ang pinapairal sa paligid ng Pinatubo.

Noong Hulyo 8 ay nakapagtala rin ang Phivolcs ng dalawang volcanic earthquake sa Pinatubo.

The post Pinatubo niyanig 2 lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinatubo-niyanig-2-lindol/)