Pauuwiin na sa Pilipinas ang isang coach ng Philippine team na kasama sa Japan para sa 2020 Tokyo Olympics.

Ito’y matapos itong magpositibo sa saliva test nang dumating sa Athletes’ Village.

Ayon kay Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, kailangang pauwiin na ang coach kahit hindi pa tapos ang confirmatory test.

Aniya pa, nakakaramdam na ng sintomas ng COVID-19 ang coach na hindi pinangalanan.

Sa Biyernes, July 23, na gaganapin ang opening ceremony ng Tokyo Olympics.

The post Pinoy coach sa Olympics positibo sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinoy-coach-sa-olympics-positibo-sa-covid/)