Todas ang isang Pinay sa North Dakota, USA matapos itong pagbabarilin ng kanyang boyfriend.

Kinilala ang biktima na si Arnalene Rapalam, na sinubukang isugod sa ospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

Ayon sa mga kaibigan ng biktima ay nag-away umano si Rapalam at suspek na si Eric Venn bago maganap ang krimen.

Nagbabalak na rin daw sanang makipaghiwalay ang Pinay sa kanyang nobyo.

Sa report ng Minot Daily News, sinabi ng prosecutor na posibleng plinano ang pamamaslang sa Pilipina, nalaman na bumili ito ng baril at saka pinagbabaril si Rapalam ng limang beses.

Sinubukan umanong tumakas ni Venn ngunit naaresto rin ito at kinulong sa Ward County Jail.

Mahaharap sa kasong felony murder, tampering at pagtakas sa mga awtoridad si Venn.

The post Plano na sanang makipaghiwalay: Pinay niratrat ng Amerikanong BF first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/plano-na-sanang-makipaghiwalay-pinay-niratrat-ng-amerikanong-bf/)