August 5 ang target nina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senador Panfilo Lacson para pagdesisyunan ang kanilang magiging hakbang sa paparating na 2022 elections.

“Ang plano namin ni Sen. Lacson, officially mag-a-announce kami sa August 5, tentatively. August 5 ang target,” ayon kay Sotto sa panayam ng DWIZ.

Matatandaan na dating sinabi ni Sotto na kung tatakbo siyang bise presidente, ay si Lacson ang swak na maging ka-tandem niya.

Sa ngayon ay nagsasagawa ang dalawang mambabatas ng konsultasyon sa probinsya ng Luzon para malaman ang mga posibleng programang isusulong at pulso ng taumbayan sa 2022.

“Marami silang problema doon sa tinatawag na countryside development. ‘Yong mga budget reforms na kailangan para makinabang sila sa ika nga ay pera ng bayan, dapat mga Pilipino ang makinabang,” saad pa ni Sotto.

Lilibutin din nina Sotto at Lacson ang Visayas at Mindanao sa mga susunod na linggo.

The post Plano nina Lacson, Sotto sa 2022, ilalatag sa Agosto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/plano-nina-lacson-sotto-sa-2022-ilalatag-sa-agosto/)