Nag-iimbestiga na ang Philippine National Police (PNP) sa umano’y kumakalat na bentahan ng pekeng swab test result.

Ayon kay PNP chief Guillermo Eleazar, kanya nang inutusan ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Anti-Cybercrime Group para tutukan ang naturang isyu.

Kumalat ang balitang binebenta umano ang mga resulta kahit pa hindi sumalang sa swab test ang isang indibiduwal. P1,000 umano ang presyo para sa mga dinoktor na resulta.

Nanawagan si Eleazar sa publiko na isumbong sa mga pulis ang sinumang maaktuhang nag-ooffer ng pekeng test result.

 “We will not allow this. The PNP will track down and arrest the persons behind this kind of scam,” lahad ni Eleazar.

The post PNP nanggigil! P1K benta sa pekeng resulta ng swab test first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-nanggigil-p1k-benta-sa-pekeng-resulta-ng-swab-test/)