Nagpakalat ng mas maraming pulis si Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar sa Manila Bay matapos muling buksan sa publiko ang dolomite beach.

Inaasahan na posibleng muling dumugin ang lugar katulad nang nangyari noong nakaraang taon.

“I have tasked the Manila Police District to deploy additional policemen in the area to ensure that persons who visit the beach observe minimum public health safety standards and follow quarantine protocols,” sambit ni Eleazar.

Nakiusap din si Eleazar sa publiko na sumunod sa health protocol sa pagpunta sa Manila Bay.

Mananatiling bukas ang dolomite beach hanggang ngayong Martes, na naunang nagbukas nitong Linggo.

The post PNP tinutukan dolomite beach sa Manila Bay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-tinutukan-dolomite-beach-sa-manila-bay/)