Hindi umano epektibo ang paglalaan ng gobyerno ng bilyong pondo sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), dahil talamak pa rin ang karahasan sa mga lugar na nakinabang sa pondo ng task force, ayon sa human rights watchdog na Karapatan.

Ayon sa grupo, ang mga lugar na pinunto ni Interior Secretary Eduardo Año na nakakuha ng pinakamalaking bahagi mula sa P16.24 bilyon pondo ng NTF-ELCAC ay ang mga lugar na nakapagtala rin ng pinakamaraming bilang ng pagpatay at pag-arestong may kaugnayan sa politika simula 2016 hanggang sa ngayon.

“The government’s so-called efforts to bring development to areas they claim as former conflict-ridden will not reach its aim as it brings more injustice than progress. If it really wants to end the decades-old conflict in the country, it should realize that it needs to cease from committing abuses and directing attacks against the Filipino people,” pahayag ni Karapatan Secretary-General Cristina Palabay.

Base sa pahayag ni Año, ang Central Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen at Caraga ang mga rehiyon na nakakuha ng pinakamalaking bahagi mula sa naturang pondo, na naglalayong madevelop ang mga barangay kung saan talamak ang gulo at karahasan.

“Since President Rodrigo Duterte took office until June 2021, 206 of the 409 cases of extrajudicial killings transpired in the five regions while 221 of the 487 political prisoners arrested under the Duterte administration were arrested in the same regions,” dagdag pa ni Palabay.

The post Pondo ng NTF-ELCAC waepek – Karapatan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pondo-ng-ntf-elcac-waepek-karapatan/)