Hindi na magsasagawa ng pagdinig ang Kamara de Representantes kaugnay ng panukala na bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Ayon kay Speaker Lord Allan Jay Velasco, bibigyan ng Kamara de Representantes ng prayoridad sa nalalabing panahon ng 18th Congress ang mga priority legislation ng Duterte administration.

“Right now based on the legislative priorities and bills na naka file po sa Kongreso. Marami pa po tayong kailangang asikasuhin and within this Congress, the 18th Congress, we already decided on that issue,” sabi ni Velasco.

Nakapagdesisyon na umano ang 18th Congress na huwag i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN at makabubuti kung ang susunod na Kongreso na lamang ang tumalakay sa bagong aplikasyon para rito.

Ang 18th Congress ay matatapos sa Hunyo 30.

Naghain ng panukala si Batangas Rep. Vilma Santos-Recto para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN ilang buwan matapos ibasura ng House Committee on Legislative Franchise ang unang aplikasyon nito.

The post Prangkisa ng ABS-CBN hindi na diringgin ng Kamara—Velasco first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/prangkisa-ng-abs-cbn-hindi-na-diringgin-ng-kamara-velasco/)