Inindorso ni Senate Minority Leader Frank Drilon ang reelection bid ni Senadora Leila de Lima matapos magdeklara ang huli ng kanyang intensyon na muling tumakbo sa pagka-senador sa 2022 election.

“I support and endorse the decision of Senator Leila de Lima to pursue reelection,” sabi ni Drilon, sa isang statement.

Ang reelection bid aniya ni De Lima ay para sa laban sa katotohanan at hustisya.

“In the face of growing threats to our rights and freedom, the nation needs leaders who will guard our democracy and champion human rights and social justice,” ayon kay Drilon.

Kahit nasa likod na kulungan, nagawa umano ni De Lima na gampanan ang kanyang tungkulin at trabaho bilang senador, isang mandato na kanyang tinanggap matapos siyang iboto ng 14 milyong Pilipino noong 2016.

“In the face of her four-year ordeal, she has never shown weakness. She bravely continues to call out the administration’s inadequacy and speak out on issues that matter to the Filipino people,” sabi ni Drilon.

“Fierce and unyielding, Senator Leila de Lima is a leader and a fighter we need today,” dagdag pa nito.

The post Reelection bid ni de Lima suportado ni Drilon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/reelection-bid-ni-de-lima-suportado-ni-drilon/)