Nanawagan si Vice President Leni Robredo na magdeklara na ng education crisis dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Robredo, dapat ay mag-isip ng solusyon ang gobyerno sa report ng World Bank na 80 percent ng mga estudyanteng Pinoy ang mababa ang lebel ng proficiency.

“Ang daming puwedeng gawin. Para sa’kin, yun nga, magdeklara na tayo ng education crisis kasi mas mabagal tayong nagre-react, mas gumagrabe ang problema natin,”giit ni Robredo sa kanyang radio program.

Ang naturang report ng World Bank ay base sa pa sa 2019 study ng International Student Assessment, at binura na ng financial institution sa kanilang website ang nasabing report.

“In fairness sa DepEd, marami na silang ginagawa na hindi na-reflect dun sa World Bank study. Sana magkaroon ng update based on the latest data para mas alam natin kung nasaan tayo ngayon,” sambit ng Bise Presidente.

“More than a year nang wala sa paaralan ang mga bata, mas na-exacerbate pa ang sitwasyon. Sana mali ako.”

Sa ngayon ay wala pang desisyon ang gobyerno kung ibabalik na ang limitadong face-to-face class para sa school year 2021-22.

The post Robredo: Krisis sa edukasyon ideklara na! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-krisis-sa-edukasyon-ideklara-na/)