Dinagdagan ni Northport team owner Mikee Romero ang cash prize para sa atletang Pinoy na magwawagi ng medalya sa Tokyo Olympics.

Inanunsyo ni Romero nitong Martes na P3 milyon ang iaambag niya sa premyo para sa Pinoy gold medalist, habang P2 milyon naman sa maguuwi ng silver at P1 milyon para sa bronze medalist.

Dahil sa ambag ni Romero ay lumago na sa P33 milyon ang kabuuang premyo para sa makakapagbigay ng ginto sa bansa sa naturang palaro.

Samantala, umakyat naman sa P17 milyon ang maiuuwi ng silver medalist at P7 milyon naman sa bronze.

Nauna nang nagdagdag sa cash prize sina Manny V. Pangilinan ng MVP Sports Foundation at Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation. 

The post Romero dinagdagan cash prize sa Olympic medalists first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/romero-dinagdagan-cash-prize-sa-olympic-medalists/)