Para sa kampo ni Vice President Leni Robredo, ‘respectable’ pa rin ang kanyang posisyon sa lumabas na Pulse Asia survey kung saan pang-anim siya para sa 2022 presidential elections.

Lahad ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ng Bise Presidente, katanggap-tanggap ang standing ni Robredo sa survey lalo’t hindi pinagtutuunan ng pansin ni VP Leni ang positioning para sa 2022.

“VP Leni’s numbers are respectable considering that she has been focused on working on COVID-19 response initiatives and has paid no attention to the frantic positioning for 2022 at all,” aniya pa.

Giit pa ni Gutierrez, sa ngayon ay sa trabaho lang ang pokus ni Robredo at lalabas ang tunay na numero sakaling magdesisyon na itong tumakbo sa pagka-Pangulo.

“Yung iba diyan, deny ng deny na tatakbo, pero nagkalat naman ang mukha at pangalan sa mga billboard at tarp. Si VP Leni, trabaho lang ang tutok. We remain confident, when, and if, she decides to run for President, the numbers will be there. Hindi pa nagsisimula ang laban,” paliwanag ng abogado.

Sa naturang poll ng Pulse Asia, nanguna si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa presidential bet ng mga Pinoy, sinundan siya nina Manila Mayor Isko Moreno, dating Senador Bongbong Marcos, Senadora Grace Poe at Senador Manny Pacquiao.

The post Sa trabaho lang nakatutok! VP Leni dedma sa mga survey first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sa-trabaho-lang-nakatutok-vp-leni-dedma-sa-mga-survey/)