Hindi makakadalo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa huling State of the Nation Address (SONA) ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa July 26, 2021.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagpaabot na ng abiso si Mayor Sara na hindi ito makakarating sa huling SONA ng kanyang ama.

Wala namang ibinigay na dagdag na detalye si Roque kung bakit hindi makakadalo ang presidential daughter sa SONA ng Pangulo.

“Nagsabi na si Mayor Sara na hindi siya makakarating pero inaasahan natin na kung sino ‘yung nakarating last year ay makakarating din po,” ani Roque.

Tiniyak naman ng kalihim na karamihan sa mga miyembro ng gabinete ay makakadalo sa Lunes.

Sa pagkakaalam ni Roque ay pinadalhan ng imbitasyon ang Office of the Vice President at mga dating presidente pero wala pang kumpirmasyon kung makakadalo rin ang mga ito dahil karamihan sa mga dating pangulo ay mga senior citizen at delikado sa banta ng COVID-19.

“Ang alam ko ang Bise Presidente ay binigyan ng imbitasyon ng Kamara. Hindi po MalacaƱang ang nagpapadala ng imbitasyon. Wala pa po akong kumpirmasyon kung makakarating ‘yung ibang past president dahil alam naman natin puro seniors na ‘yung ating past president,” dagdag ni Roque.

The post Sara Duterte hindi sisipot sa huling SONA ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sara-duterte-hindi-sisipot-sa-huling-sona-ni-duterte/)