Tumama ang lindol na may lakas na magnitude 6.0 at magnitude 5.4 sa Sarangani, Davao Occidental nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang magnitude 6.0 ng alas-8:43 ng umaga na sinundan ng magnitude 5.4 ng alas-8:51 ng umaga.

Sabi ng Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol, na nangangahulugang ang pag-uga ay sanhi ng paggalaw ng isang aktibong fault malapit sa lugar.

Inaasahan ang aftershocks matapos ang lindol ngunit walang banta ng tsunami, dagdag ng Phivolcs.

The post Sarangani niyanig ng magkasunod na lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sarangani-niyanig-ng-magkasunod-na-lindol/)